Kasama ang Cagayan at Isabela sa limang lalawigan sa Luzon ang tinukoy ng OCTA Research Group bilang β Provinces of Major Concernβ dahil sa pagsasailalim sa critical level sa ICU utilization at positivity rate.
Batay sa pagtaya ng OCTA sa mga probinsya mula September 15 hanggang 21, ang Isabela ay may pinakamataas na one-week growth rate na umabot sa 158 % at hawak ang pinakamaraming aktibong kaso na umabot sa 4,578.
Ilan pa sa tinukoy ng OCTA Research Group bilang Provinces of Major Concern ang Laguna, Benguet, at Bataan.
Naitala naman ng Benguet ang pinakamataas na Average Daily Attack Rate o ADAR na 53 kaso sa bawat 100,000 population na sinundan ng Cagayan, 37.79; Isabela, 36.43; Bataan ma may 30.25 at 25.69 naman sa probinsya sa Laguna.
Kasabay nito, kritikal din ang ICU beds ng COVID-19 case kung saan 94% sa Isabela; 87% sa Cagayan; 90% sa Benguet; 87% sa Laguna habang 92% sa Bataan.
Sa ngayon, sa pinakahuling datos ng Department of Health Region 2 ay nasa Alert Level 4 Status na ang buong Rehiyon Dos kung saan ay patuloy na tumataas ang bilang ng naapektuhan ng COVID 119 at lampas 70% na ang utilization rate ng mga health care facility.(Courtesy:DOH-Region 2)