Ulat ng BH Team/Gideon Visaya
CITY OF ILAGAN–Sa kasagsagan ng ulan sanhi ng Habagat at sa paparating na bagyong Dante, natumba ang puno at nadaganan ang traysikel na ikinasugat ng dalawang katao sa Barangay Baligatan sa siyudad na ito kaninang 4:45 ng hapon, July 24. Ang puno ng narra na nasa kabilang bakod ng provincial office ng Philippine National Police-Isabela ay bumagsak at eksaktong tumama sa padaan na traysikel sa national highway ng Barangay Baligatan. Sugatan ang lalakeng drayber at ang pasahero na babae kaya agad na rumesponde ang mga rescuers ng lalawigan at dinala sa Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ang mga biktima na di pa pinangalanan dahil sa data privacy. Dahil dito, muling nagbabala ang kapulisan na maging alerto lalo pa at maulan at delikado sa kalsada. Patuloy naman ang karagdagang pagsisiyasat sa lugar habang pumunta na rin sa lugar ang mga kasapi ng public works and highways na may hurisdiksyon sa lugar, pulis, bumbero at mga volunteers para matanggal na ang puno na humambalang sa kalsada