
Ulat ni Villamor Visaya Jr.
Isang 100-anyos na lola sa City of Ilagan sa Isabela, isa sa tatlong centenarians at kabilang sa 195 na mga nabiyayaan ng cash gift na mga senior citizens sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act sa community center ng Hulyo 22.
Tumanggap sina Lola Leona Balcaba-Luis ng Barangay San Antonio at Mariano Baccay, parehong 100-anyos, ang nabigyan ng tig-P100,000 at P30,000 mula sa pamahalaang lungsod. Una na ring nabigyan ang isang centenarian sa lugar.
Ayon kay Rocel Baccay Pimentel, anak ni Lolo Mariano, may disiplina sa sarili at mahilig sa gulay ang kanyang tatay kaya umabot ng 100-anyos.
Kasama sila sa 4,000 na una nang nabigyan sa buong Lambak ng Cagayan, ayon kay Regional Director Dulceneah Lyra
Para naman kay Lolo Gabriel Corpuz, 80-taong gulang mula sa Cabisera 9-11, City of Ilagan, Isabela, laking pasalamat niya sa P10K mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region 2 at P5K mula sa lokal na lungsod ng Ilagan.
May mga binigay din na bigas at groserya para sa senior citizens na edad 80, 85, 90 at 95.
Ayon sa Expanded Centenarians Act (RA 11982 of 2024) ang cash gifts ay para sa senior citizens na nakaabot ng milestone ages: P10,000 para sa 80,85,90,95, at P100,000 sa 100-anyos.#