BASAHIN!

Ayon sa DOH Region 2 base sa pinakahuling datos nitong ika-17 ng Agosto, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.  


Ayon kay Dr. Angelica Taloma ng DOH epidemiology and surveillance unit ng Region 2, ang mga nabanggit na bayan at siyudad ay wala o kakaunti lamang ang dating mga aktibong kaso pero sa loob lamang ng ilang araw ay bigla itong dumami.

  
Gayunman, nilinaw nito na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan at siyudad na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na mga kaso sa ngayon. (Source: DOH-Region 2)