Ulat nina Vince Jacob Visaya at Felix Cuntapay
Tila pinintahan ang kalangitan sa gabi ng isang tanawin ng mga ilaw, kulay at musika habang pinalakpakan at sinayawan ng 12,000 mga taga-Isabela ang kaiga-igayang Cauayan Fireworks Spectacle upang pasimulan ang 100 araw bago ang Krismas na ginanap sa SM City Cauayan kamakalawa.
Minarkahan ang pagsisimula ng hinihintay na 100 araw hanggang Christmas countdown, ang pyro-musical show na nagpasiklab sa pakiramdam ng mga manonood nito at nagpapaliwanag sa night skyline ng Cauayan City.
Ang kasiya-siyang pagpapakita ng maraming kulay na mga paputok na itinanghal ng mga eksperto sa pyrotechnic sa bansa ay nag-iwan ng kahanga-hanga at hindi malilimutang tanawin sa mga dumalo na nakisabay pa sa kantahan at sayawan bago ang apat na sets na pyrotechnics show.
Ang tila-mahiwagang palabas na ito ng nakakasilaw na mga kulay at liwanag na nakasabay sa pop music, ay talagang ginawa itong isang gabing alalahanin para sa mga pamilya, kaibigan, bata at matanda dahil ito ang pagsisimula ng pinakamahabang dagat ng Pasko sa mundo – ang Pasko sa Pilipinas.#
Dinagsa ang grand fireworks display sa Cauayan City kamakalawa. (Via Hannah Visaya)