Dinagsa ng humigit-kumulang 12,000 na katao ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya para sa Educational Assistance pay-out sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipuan Rehiyon Dos (DSWD FO2), bandang alas-7 ngayong umaga, ika-20 ng Agosto 2022.
Tinatayang nasa 2,000 na katao ang tumungo sa DSWD sa Tuguegarao; 5,000 sa Ilagan City sa Isabela; 3,000 sa Cabarroguis, Quirino; at 2,000 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Tinatayang 4,000 dito ang mapagsisilbihan ngayong araw, at mabibigyan ng financial assistance base sa bilang ng mga estudyante sa kani-kanilang mga pamilya.
Isa pa lamang ang naitalang nag-apply at nabigyan ng educational assistance sa Basco, Batanes.
Bandang alas-7 kaninang umaga ay nag-anunsyo na ng cut-off ang DSWD, dahil na din sa dami ng tao na pumunta sa mga pay-out venues.
Ang AICS Education Assistance ay programa ng Kagawaran para magbigay ng tulong sa mga Student-in-Crisis na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin.
Photo courtesy : DWSD Region 2