Courtesy: PNP-Tumauini, Isabela

Nasawi ang isang binatilyo matapos malunod sa ilog na nasa liblib na bahagi ng Purok 7, Barangay Sisim Alto, Tumauini, Isabela.

Ang biktima ay isang 13-anyos na lalake, Grade 7 student at residente ng Brgy Lingaling sa kaparehong bayan.

Ayon kay Police Major Melchor Aggabao, hepe ng Tumauini police, naligo sa ilog ang biktima kasama ang tatlong mga kaibigan nito na pawang mga menor de edad.

Natangay ng agos sa malalim na bahagi ang biktima at di nasagip ng mga kasama.

Agad humingi ng tulong ang mga kaibigan ng biktima sa isang lalake na nagngangalang Ruben Lucas na noon ay nagpapahinga sa lugar. Agad nilang hinanap ang biktima at nakita ito ni Lucas sa malalim na bahagi kaya sinagip niya ito.

Dumating rin ang mga rescuer na siyang nagdala sa biktima sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.#