Natagpuan na ngayong araw ng Linggo, Marso 02, 2025 ang katawan ng isang menor-de-edad na nalunod sa Cagayan River noong araw ng Biyernes, February 28.
Inihayag ni Cecille Domingo, station manager ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) Amulung station na isa sa mga nagsagawa ng search and rescue operation, natagpuang lumulutang ang katawan ng biktima sa bahagi ng Brgy. Nassiping sa bayan ng Gattaran.
Positibong nakilala ang bangkay ng binatilyo na si Johnmark Costales, 16-anyos, at residente ng Brgy. Carallangan.
Aniya, mismong ang pamilya ng biktima ang nagkumpirma na ang natagpuang bangkay ay ang kanilang kaanak na nalunod nitong araw ng Biyernes.
Una rito, naiulat na nahulog ang biktima sa pampasaherong bangka nang inatake ng sakit na epilepsy na posibleng sanhi ng kanyang pagkalunod.#