Arestado ang isang 18-anyos na lalaki sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa Pengue-Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang suspek ay kinilalang si alyas MJ na residente sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2, matapos silang makatanggap ng report tungkol sa illegal na gawain ng suspek ay agad nila itong isinailalim sa monitoring bago isinigawa ang entrapment operation laban sa kanya.
Nakuha mula sa pag iingat ng suspek ang 1.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php8,840 at 712 grams ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng Php85,440.
Mahaharap ang suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.#