Ginanap ang 2025 Regional Tax Campaign kickoff ng BIR na may temang “Buwis na Tapat, Tagumpay Nating Lahat” sa Capital Arena, Alibagu City of Ilagan, Isabela.
Dinaluhan ito ng mga opisyal ng BIR, kabilang si Deputy Commissioner Marissa O. Cabreros, at maraming taxpayer mula sa Tuguegarao at Isabela.
Ayon kay Cabreros, ang tagumpay ng kampanya ay nagpapakita ng pagiging masigasig ng mga mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis.
Ipinaliwanag din niya na ang mataas na koleksyon ng buwis ay nangangahulugan ng pag-unlad ng komunidad at ng mga negosyo sa rehiyon.
Pinayuhan din ni Cabreros ang mga taxpayer na mag-file at magbayad ng kanilang annual income tax return nang maaga upang maiwasan ang deadline.#