Ulat ni  FELIX CUNTAPAY JR.

Gun salute, isinagawa bilang pagpupugay sa 123rd Independence Day celebration sa City of Ilagan, Isabela noong Hunyo 12.

Ang pagpupugay ay para raw mananatili sa isip, salita at gawa hinggil sa kasarinlan ng bansa kahit pa may pandemya.

Una nang ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng bansa, ang kasarinlan laban sa Spanish colonial rule sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na ginugunita ang ginawang kabayanihan ng mga ninuno laban sa mga sumusupil sa kasarinlan ng bansang Pilipinas.

Iilan lamang ang pinayagang dumalo sa naturang pagtitipon at hindi gaya ng dati na libu-libo dahil sa health protocols.#