Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Pinagtulungang ilikas kagabi, ika-31 ng Oktubre taong kasalukuyan ang apat na put”t tatlong pamilya na nawalan ng bahay matapos tangayin ng rumaragasang tubig ng Chico River sa Brgy Mungo, Tuao, Cagayan.
Nagsanib-pwersa ang PNP Tuao, MDRRMO Tuao, DSWD RO2, Brgy Officials ng Mungo, LGU Tuao at mga volunteer organization tulad ng Itawit Cagayan Valley Eagles Club, at Eagles Tuao sa isinagawang force evacuation sa mga pamilyang apektado kabilang na ang mga pamilyang kailangan naring lumikas dahil sa bahagyang pagkasira ng kanilang kabahayan bunsod ng malakas na agos ng Chico River.
Ang mga nasabing pamilya ay nasa evacuation center na ngayon sa Brgy Lallayug, Tuao kung saan pansamantala munang naninirahan habang wala pang malilipatang lugar.
Ayon kay Tuao PS Chief of Police, PMAJ Jhun-jhun Balisi, dahil s kalunos lunos na sinapit ng mga evacuees ay kaagad binigyan ang mga ito ng cash aid ng DSWD RO2 bukod pa sa mga bigas, damit at mga grocery items para may pansamantalang magamit ang pamilya habang sila ay nasa evacuation center.
Napag alaman kay PMAJ BALISI na maliban sa dalawampu’t dalawang bahay na nilamon ng ilog Chico, may dalawampu’t isang bahay pa sa nasabing lugar ang partially damaged at nanganganib ding mahulog at matangay dahil sa tuluy tuloy na pagtibag ng lupa sa tabi ng nasabing ilog.#
Source: PRO2