Ulat ng BH Team
NUEVA VIZCAYA-Mahigit P2.2 million ang halaga ng mga benepisyong naipamahagi ng Department of Labor and Employment sa 25 na mga manggagawa.
Ito ay makaraang humingi ng tulong sa ahensiya upang I-claim ang nasabing mga benepisyo mula sa kanilang employers. Ang nasabing halaga ay kinabibilangan ng 13th-month pay, underpayment, at unpaid wages ng mga manggagawa.
Ang mga benepisyo ay matagumpay na naibigay matapos ang conciliation at mediation sa ilalim ng Single-Entry Approach (SEnA) program na ipinatupad ng tanggapan.