
Ulat ni Gideon Visaya
Natagpuan at nakuha ng mga mangingisda ang 37 pakete ng umano’y methamphetamine hydrochloride o shabu na tumitimbang ng 34 kilo sa magkahiwalay na barangay sa Santa Cruz, Ilocos Sur kahapon, Hunyo 7, ayon sa ulat ngayong araw.
Sa press statement nitong Linggo, sinabi ni Police Major Paul Vinsent Tadeo, Sta. Cruz police chief, sinabi ng mga mangingisda na naunang nakakuha ng 12 pakete ng shabu sa kahabaan ng tubig-dagat sa Barangay Dili, na tumitimbang ng 12-kilo at nagkakahalaga ng P81.6-milyon. Isinuko ng mga mangingisda ang mga gamit sa pulisya.
Sa barangay ng Mantanas, sa Santa Cruz din, hindi bababa sa 25 pakete ng umano’y shabu ang nakuha ng iba pang mangingisda, na tumitimbang ng 222 kilo na nagkakahalaga ng P149.6-milyon. Itinurn-over din ang mga ito sa pulisya.
Sinabi ni Tadeo na inaalam na nila ang pinagmulan ng umano’y shabu at ang mga salarin.
Ang mga bagay ay inilipat sa laboratoryo ng pulisya para sa pagsusuri at pag-iingat.#