Umabot na sa 37k-Mark ang total recorded cases ng Covid-19 sa Cagayan matapos madagdagan ng 300 na panibagong kaso ng virus ang lalawigan batay sa datos na inilabas ng PESU ngayong araw ng Lunes, Setyembre-13.

Mayroon na ngayong 37,196 kabuuang naitalang kaso ang probinsya.

Ang pinakamataas ngayon na naitalang aktibong kaso ay nagmula sa Tuguegarao City na may 81 cases. Sinundan ito ng bayan ng Abulug na nadagdagan naman ng 48, habang 26 naman sa bayan ng Baggao.

Samantala, nakapagtala naman ang lalawigan ng 24 na nasawi sa Covid-19, nagdala sa kabuuang 454 death toll ng lalawigan.

Ang Tuguegarao City ang nanguna sa may pinakamaraming bilang ng namatay sanhi ng Covid-19 na umabot sa lima; apat ang nasawi sa bayan ng Solana; tatlo mula sa La-lo; dalawa sa mga bayan ng Abulug, Allacapan, at Baggao; isa mula sa Buguey, Camalaniugan, Peñablanca, Rizal, at Tuao.

Sa kabila nito, 468 ang gumaling sa probinsya ngayong araw nagdala sa kabuuan nitong 31,017 recoveries.

Bumaba sa 573 ang naka-home quarantine sa lalawigan kung saan 226 ay mula sa Tuguegarao City; 158 sa Alcala, 61 sa Claveria; 25 sa Solana; 23 sa Sta. Ana; 32 sa Baggao; 14 sa Lal-lo; 12 sa Allacapan; siyam aa Sto. Niño; walo sa Gonzaga; lima sa bayan ng Abulug.

Sa ngayon, mayroon pang 4,957 na binabantayang aktibong kaso pa ang probinsya.

(Courtesy:Kane Manaoat/CPIO)