Photo Courtesy: PNP Region 2

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan – Naipagkatiwala ng isang ginang ang perang nagkakahalaga ng Php390,100.00 na naiwan ng kanyang kustomer sa PNP Tumauini kahapon bandang alas 5:00 ng hapon, ika-14 ng Septyembre 2023.

Kinilalang si Jennifer Batino Diaz, 41 taong gulang, residente ng Lalauanan Tumauini, Isabela at kanyang canteen naman ay matatagpuan sa National Highway Brgy. Lalauanan, Tumauini, Isabela.

Batay sa report ng Tumauini Police Station sa Police Regional Office 2 na ang kanilang tauhan na si Police Master Seargeant Rolando A Tan Jr ay may natanggap na mensahe mula sa kanyang Facebook account at naitag din siya ng kanyang kaibigan sa facebook na si Jennifer Diaz na mayroon narekober na naka bundle na pera sa loob ng bag pack na kulay maroon. Agad naman tumugon sila Police Master Sergeant Tan kasama si Police Captain Redentor Cagurungan, DCOP at duty patrollers sa report ng ginang at pumunta sa lugar upang kumpirmahin.

Tumambad sa kanila ang mga nasabing pera sa nasabing report. Naisauli ni Ginang Diaz ang Cash money na may denomination na 390 piraso ng tig 1,000 peso bill; isang 1 piraso ng 100 peso bill; wallet na may National ID na nakapangalan kay Jeffrey Harada ng Pamplona Cagayan, resibo, Max fuel card; damit at untensil ng may ari.

Pinuri ni Police Brigadier General Christopher Birung, PRO2 Regional Director ang ginang na nagpakita ng katapatan at malasakit sa kapwa at hindi nasilaw sa halaga ng pera at higit sa lahat ang pagtitiwala sa ating mga kapulisan at naireport agad sa himpilan ng Tumauini Police Station upang maibalik sa lalong madaling panahon sa may-ari ng pera.

PNP PRO2 Press Release

Photo Courtesy: PNP Region 2