Nakapgatala ng 4 na kaso ng Dengue ang Barangay Bagumbayan ngayong buwan ng Hulyo

Ulat ni Jamaica Barbas

Nakapagtala ng apat na kaso ng dengue ngayong buwan ng Hulyo ang Barangay Bagumbayan, Ilagan City. Ito ang pinakamaraming kaso ng dengue na naitala sa lugar ngayong taon.

Gumagawa ng hakbang ang Baranggay Officials at Barangay Health Officers upang maiwasan ang sakit na dengue. Kabilang na rito ang “Linis-bayan” program na isinasagawa dalawang beses kada buwan. 

Nag-iikot-ikot din umano sila sa mga eskwelahan upang maglinis. Nagpa-spray din sila sa mga lugar na maaring pamugaran ng lamok.

Samantala, hinikayat naman ni Rizalina Azurin, City Health Midwife ng barangay ang bawat isa na ugaliin ang maglinis sa kapaligiran upang mapuksa ang mga lamok na naghahatid ng sakit na dengue.