Tinanghal ang apat (4) na Local Government UnitS at isang CSO sa probinsiya ng Cagayan bilang Anti-illegal Drug Abuse Council National Special Award Recipient sa taong 2020 ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Ang apat na LGUs ay kinabibilangan ng bayan ng Allacapan, Calayan, Claveria at Sanchez Mira kasama na ang Victorious Children of Mary Enthroned na miyembro ng Cagayan PADAC CSO.

Ang mga nasabing LGUs at CSO ay sumailalim sa assessment at screening ng Inter-agency committee ng ahensiya noong 2020.

Ilan sa mga naging basehan sa iginawad na parangal ay ang drug-clearing efforts, drug-free workplace at ang pagpapatayo ng sariling Balay Silangan sa kanilang mga bayan.

Ang parangal ay iginagawad sa mga LGUs, grupo o organisasyon na patulouyang paglaban sa illigal na droga sa kanilang mga nasasakupan. (Courtesy:BERNADETH HERALDE/CPIO)