Ulat ng BH Reportorial Team
Pormal na na-nailaunch noong August 15 ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project na tinawag na Pueblo de Cauayan sa 1.4-ektaryang bahagi ng Luna-Cauayan bypass road sa San Fermin, Cauayan City.
Naglalayo itong makapagpatayo ng 1,430 na mga bahay at 60 ang mga komersial na espasyo sa isang mid-rise condominium type na pabahay na pinondohan ng partnership ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD), Ropali Land Inc. at ang pamahalaang lokal ng Cauayan City.
Maiibsan raw ang kakulangan na 5,000 na mga bahay ang lungsod kapag natapos na nag proyekto. Inaasahang matatapos ang five-storey ang taas na 12 na mga gusali sa loob ng tatlong taon.
Pormal na inilatag ang scale model, itinanim ang time capsule na may nakalagay na kontrata, barya, titulo, blueprint at dyaryo.
Binasbasan rin ang lugar.(Felix Cuntapay Jr., Vill Gideon Visaya at Ranniel Semana-trainee)