Inihayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang nakalinyang $6-billion investment programs sa lalawigan sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremonies sa Cagayan Sports Complex sa Tuguegarao City kanina, June 30.
Aniya, nakaangkla ang mga programa na kinabibilangan ng 320-ektaryang Piat airport, 500-hectare Smart City economic hub sa Tuao at 1,500-hectare seaport sa Aparri.
Sa harap ng mahigit 2,000 dumalo sa pagtitipon, pormal na nagtake-oath si Mamba sa harap ni Barangcuag Barangay Captain Clarito Cadiz sa bayan ng Tuao. Ang barangay ni Cadiz ay nagdeliber ng 763 votes para kay Mamba habang zero o walang nakuhang boto si Dr. Zarah Lara. Naging administering witnesses din sa oath-taking ang apat na mga kapitan na halos 100-porsiyento ang boto ni Mamba, kabilang sina Narciso Espejo ng Dalupiri sa bayan ng Calayan; Artemio Archibido ng Barangay Malalinta, Tuao; Rolando Lumboy ng Dagupan, Tuao at Francisco Genoma ng Battung, Tuao. Sinamahan si Mamba ng kanyang asawang si Attorney Mabel at mga anak na sina Jesus Manuel at Manuel III, mga kapatid at iba pang mga kamag-anak.Nakakuha si Mamba ng 302,205 votes noong Eleksiyon 2022 habang si Zarah Lara ay may 278,562 votes.#