Courtesy: Nueva Vizcaya PPO

Isang 65-anyos na lasing, patay nang pukpukin sa ulo ng anak ng kalive-in gamit ang isang stainless na tumbler sa Bagabag, Nueva Vizcaya kaninang alas-sais ng umaga, Marso 25.

Iniulat ni Major Oscar Abrogena, hepe ng PNP-Bagabag, umuwing lasing ng 6 ng umaga ang suspek matapos ang magdamag na pakikipag-inuman sa mga kabarkada.

Dahil sa galit, nagtalo umano ang biktima at ang suspek hanggang sa sinuntok ng 46-anyos na lalake ang 65-anyos na amain bago ito pinukpok sa ulo gamit ang stainless na lalagyan ng tubig. 

Sa lakas ng pagkapukpok, sugatan ang ulo nito kaya isinugod agad sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Una nang tumulong ang mga kapitbahay at mga opisyal ng barangay bago dumating ang mga pulis sa lugar.

Hindi naman daw baliw ang suspek pero palagian raw itong lasing at di raw halos nakakatulog.

Sasampahan ng kasong homicide ang suspek.#