Photo credit: Bishop Donald Soriano

Nailibing na ngayong araw ang pitong katao na natabunan sa nangyaring landslide noong Nobyembre 17 sa Sitio Hukhukyong, Barangay Labang, Ambaguio, dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala ng bagyong Pepito.  

Kabilang sa mga nasawi ang isang 8-taong gulang na batang babae, 30-taong gulang na lalaki at limang iba pa na edad 12 hanggang 18-taong gulang, habang nakaligtas naman ang 40 anyos na lalake at babae at isang 4 na taong gulang na batang lalaki.

Ang mga biktima ay pawang mga magkakamag-anak, at ang ilan sa mga nasawi ay nakisilong lamang sa bahay ng kanilang kaanak na nasa gilid ng bundok nang tumama ang bagyong Pepito.#

Sa ngayon ay nasa pagamutan pa ang tatlong nakaligtas at kasalukuyang nagpapagaling.#

Photo credit: Bishop Donald Soriano