Hindi bababa sa sukat na 700 board feet ang nasakoteng kontrabandong kahoy ng kapulisan ng Penablanca noong Setyembre-14.
Ayon sa Peñablanca Police Station, mula sa sumbong ng mga informant ng kapulisan, tinungo ng mga operatiba ng Peñablanca PNP ang Sitio Dasilag, Brgy. Quibal, Peñablanca.
Pagsapit sa nabanggit na lugar, tumambad sa kapulisan ay ilang piraso ng mga nalagareng kahoy at ng sukatin ito ay umabot ng mahigt 700 boardfeet at tinatayang nagkakahalaga ng may P30,000.
Ang itinuturong suspek na nasa likod nito ay isang “Alyas Randy,” 33 taong gulang, magsasaka, may asawa at residente ng Sitio Dasilag, Brgy Quibal, Peñablanca. Ngunit, wala na sa nasabing lugar ang suspek.
Sa kasaluluyan ay nasa pangangalaga ng PNP Peñablanca ang mga kontrabandong kahoy para sa tamang disposisyon at pangangalaga nito.
Samantala, ayon sa PNP Peñablanca kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspek sa kasong ito. (Eugene Carlo C. Tolosa/CPIO)