Sumailalim sa drug testing ang nasa 727 na mga pulis mula sa iba’t ibang Police Provincial Offices, City Police Offices, at iba pang nakatalaga sa Regional Headquarters ng Police Regional Office 2 (PRO2) nitong Enero 2-7, 2025, ayon sa PNP Region 2.
Bahagi ito ng 2,649 na target para sa random drug testing, alinsunod sa PNP Internal Disciplinary Mechanism at PNP Revitalized Internal Cleaning Program.
Batay sa datos na inilabas ng Regional Intelligence Division at Regional Forensic Unit 2, negatibo ang resulta ng drug testing na isinagawa sa 156 personnel mula sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na sumailalim sa pagsusuri nitong Enero 2 hanggang 3 ngayong taon.
Hinihintay pa ang resulta ng drug test para sa iba pang personnel, kabilang ang 291 mula sa Isabela PPO, 99 mula sa Santiago City Police Office (CPO), 22 mula sa Quirino PPO, 88 mula sa Nueva Vizcaya PPO, at 71 mula sa Regional Headquarters (RHQ).
Tiniyak ninPRO2 Regional Director PBGen. Antonio P. Marallag, Jr. ang dedikasyon sa paglaban sa ilegal na droga at pagtiyak na mananatiling tapat ang lahat ng kapulisan sa rehiyon sa kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas.
Hindi raw kukunsintiin ng kanyang liderato ang sinumang pulis na magpopositibo sa pagsusuri at kung sakaling matukoy sa paggamit ng iligal na droga ang isang personnel ay iimbestigahan at mahaharap sa kasong administratibo.#
‘’Any police officer who will test positive for illegal drug use will undergo a confirmatory test; if the results are positive, they will be subjected to a thorough investigation and face an administrative charge. I will not tolerate anyone breaking the law, especially in relation to RA 9165,” pahayag ng direktor.#