NAKABIBIGHANI ang ganda ng drone show sa Aggao Nac Cagayan kamakailan. (Contributed photos)

Ulat ng BH Team

TUGUEGARAO CITYโ€”Walumpung drones ang lumipad sa ritmo habang iniilawan nila ang kalangitan noong Martes ng gabi upang ipagdiwang ang ika-440 na Aggao Nac Cagayan sa SM City, Bagay Road sa lungsod na ito.
Pinalakpakan ng libu-libong mga nanood, ang pakitang-gilas ng makabagong drone show ay nagpakita ng mga simbolo ng Cagayan at nagkakaisang mga tao na may ibaโ€™t ibang kulay sa loob ng limang minuto.
Pumalakpak sa tuwa sina Governor Manuel Mamba at Atty. Mabel Mamba, Aggao Nac Cagayan steering committee chairperson, na dumalo sa okasyon.#