SAN MANUEL, Isabela-Pinasinayaan ang 80-head Capacity Innovative Pen Design Finisher Operation Facility sa Sitio Cagurungan, Barangay Eden sa bayan na ito kahapon, July 15, 2025.
Ang proyekto ay bahagi ng Swine Industry Recovery Project (SIRP) ng Department of Agriculture sa pangunguna ng Agricultural Training Institute (ATI), katuwang ang DA-Regional Field Office 02, mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya.
Nagpasalamat si Loreto Velasco, cooperative manager ng NDC-8 Agrarian Reform Beneficiaries na namamahala rito matapos tanggapin ang symbolic key ng pasilidad.
Isang gantimpala ng pamahalaan sa proyektong ito ay ang makita itong matagumpay, ayon kay ATI OIC-Center Director Claris Marayag-Alaska.
“Makatulong ito bilang pangkabuhayan sa ating mga swine raisers lalo na sa NDC members at iba pang mga magbababoy sa San Manuel,” dagdag niya.#