
Ulat ni GIDEON VISAYA/BH Team
Kalsada sa bahagi ng national road sa Hapao, Hungduan, Ifugao, nadadaanan na ngayon matapos ang landslides sa nakaraang mga araw.
Nagsagawa ng clearing operations sa lugar lalo pa at pangunahin raw itong daanan ng mga residente, kabilang na ang mga estudyanteng nag-aaral sa Hapao Elementary School sa naturang lugar.
Dahil maayos na, ligtas na raw ang mga motorista lalo na ang mga bata na dumadaan sa lugar.#