
Ulat ng Balitang Hilaga/Keith Senica
SANTIAGO CITY-Nasa 600 pamilya ang nabiyayaan sa ilalim ng Integrated Disaster Shelters Program Assistance Payout na isinagawa sa Santiago Sports Arena na dinaluhan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.
Nauna nang nasalanta ang mga nasabing pamilya ng nakaraang Bagyong Nika at Pepito. Nakatanggap ng P30,000 bawat isang pamilya sa mga totally damaged ang mga bahay habang P10,000 naman ang natanggap bawat isa ng mga partially damaged ang mga bahay.
Una nang dumaan sa pagsusuri sa pamamagitan ng pre-assessment at evaluation ng Department of Human Settlement and Urban Development.
Umabot sa 9.3-milyong piso ang naibigay sa mga benepisyaryo. Namigay din si Senador Go ng mga fastfood packs, groserya, mga damit at sumbrero, bola at iba pa. Tumulak si Senador Go sa Tabuk City para sa pagbubukas ng Super Health Center matapos ang programa sa Santiago City.#