
Isang 80-anyos na retiradong POPCOM deputy executive director, isa sa daan-daang seniors na nabigyan ng cash gift sa Cagayan sa ilalim ng Expanded Centenarian Act.
Ayon kay Ginang Mia Ventura ng Tuguegarao City, 80-anyos at retiradong deputy executive director ng Population Commission, ang cash gift ay nagbibigay-dugtong sa buhay at bagaman at di sa pera, isa raw itong patunay na binibigyan ng recognition ang mga senior citizens na may edad 75, 80, 85, 90, 95 at 100 anyos na malapit na sa takip-silim.
Para sa kanya, ginagamit na raw niya ang kanyang panahon sa paggawa ng libro bilang passion, pangongolekta ng mga art items gaya ng paintings, pagtulong sa paggawa ng mga historical books at pagdonate ng mga libro at iba pa na kanyang buong pribadong library sa isang Pamantasan.
Nakasama rin ni Ginang Mia ang 100-anyos na si Elena Quinagoran ng Tuguegarao City na nabigyan naman ng P100,000 ayon sa itinatadhana ng batas maliban pa sa cash gift ng pamahalaang lokal.
Sa Claveria, Cagayan, may 50 na mga naturang senior citizens ang nabigyan ng tig-P10,000 cash gift habang isa rin na 100-anyos ang nabigyan ng P100,000.
Isinagawa rin ang pamimigay ng cash gifts sa mga milestone-age senior citizens sa Lal-lo, Cagayan.#