Photos courtesy of MDRRMO Calayan

Ulat ng BH Team

Isla ng Calayan, Cagayan, naghahanda na at nagpulong ngayong umaga sa pagdatal ng bagyong Crising na inaasahang tatama sa lugar.

Pinangunahan ni Mayor Joseph Llopis ang miting bilang paghahanda sa pagdatal ng bagyo. Sa ulat ng MDRRMO Calayan, nakaangkla na sa mataas na lugar ang mga bangka habang wala pa ang bagyo na inaasahan ng Biyernes o Sabado, ayon sa PAG-ASA.

Patuloy ang monitoring sa mga lugar habang may prepositioned goods na sa mga malalayong isla sa Calayan gaya ng Babuyan Claro, Camiguin at iba pa.#