Hinahanap ng pamilya at mga awtoridad si Patrolman Aaron Langab Blas, 25, residente ng bayan ng Luna, Apayao, na nawawala habang nagsasanay malapit sa Philex Mines sa Benguet noong Hulyo 14. (Photo courtesy of the Apayao provincial government)

Ulat ni Villamor Visaya Jr.

Pulis mula Apayao na naka-training, nawawala simula pa noong July 14.

Kinilala ng pamahalaang lokal ng Apayao at ng kapulisan ang nawawala na si Patrolman Aaron Langab Blas, 25-anyos at may tangkad na 5’ 7” na taga-San Gregorio, Luna, Apayao.

Kasapi siya ng First Provincial Mobile Force Company of Apayao pero kasalukuyang naka-training ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) sa Benguet.

Huli siyang nakita ng 5:30 ng hapon sa Zigzag area near Dam 2, Philex Mines, Ampucao, Itogon, Benguet, sa isang land navigation na aktibidad sa kurso. Hinihinalang maaari siyang nahulog sa isa sa mga manhole sa Philex Mines Compound at naanod sa ilog.

Patuloy ang hinaing ng mga kaanak ni Blas sa mga minero at mga katrabaho na hanapin siya.

Patuloy ang paghahanap sa kaya ng awtoridad.#