Photo courtesy of PDRRMC Batanes

Ulat ni Villamor Visaya Jr.

Nakaranas ng pagguho ng mga lupa at batonsa ilang bahagi ng pambansang lansangan papuntang southern municipalities ang malalakas na pag-ulan na naranasan kagabi sa lalawigan ng Batanes.

Ilang mga motoristang bumiyahe ng maaga ang hindi na nakadaan sa mga kalsada dahil sa malalaking tipak ng lupa at mga bato gaya sa Basco at Mahatao, Batanes.

Kaugnay nito, naglabas na ng Road Advisory ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para sa mga motorista na mag-ingat sa mga landslide sa mga kalsada.

Kasalukuyan na ang clearing operations ng DPWH, BFP at iba pang volunteers sa mga lugar na may pagguho.

Dahil di makatawid, ipinatupad muna ang Work from Home setup sa mga empleyado mula sa southern municipalities ang Provincial Government habang isinasagawa ang clearing operations sa mga kalsada.

Ngayong umaga, nalinis naman na ang kalsada sa bahagi ng Chawa sa Mahatao.#