Photo courtesy of MDRRMO Penablanca, Cagayan

Ulat ni Villamor Visaya Jr.

Umabot sa 945 na pamilya na binubuo ng 3,129 na ang inilikas sa Cagayan dahil sa pag-uulan na dulot ng bagyong “Crising”.

Sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) hanggang alas singko ng umaga, Hulyo 19, 2025, mula sa 16 na bayan ang mga residenteng inilikas. 

Mula sa nasabing bilang, 331 pamilya na may 1,030 na indibiduwal ang nasa labas ng evacuation center o pansamantalang nakikitira sa kanilang kaanak at kapitbahay habang ang 563 na pamilya na may 1,948 na inidbiduwal naman ang kasalukuyabg nasa evacuation center. 

Kabilang sa mga bayan na nakapagtala ng evacuees ay ang bayan ng Abulug, Allacapan, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Calayan, Camalaniugan, Claveria, Gattaran, Lal-lo, Pamplona, Peñablanca, Sta Ana, Sta Praxedes, at Sta Teresita.