Photo courtesy of LGU-Claveria, Cagayan

Ulat ni Villamor Visaya Jr.

Isang Risso’s dolphin o lumba-lumba ang na-rescue matapos matagpuang stranded sa baybayin ng Barangay Pata East, Claveria, Martes Hulyo 22, 2025 ng umaga.

Ayon sa ulat, natagpuan ng mga mangingisdang nagdadaklis ang stranded na dolphin kaya agad nila itong iniulat sa mga awtoridad.

Rumesponde naman ang mga kasapi ng municipal agriculture office sa tulong ng Philippine Maritime Police, Philippine Coast Guard, at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office upang isagawa ang rescue operation.

Dinala ang dolphin sa rehabilitation facility ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa pagsusuri at obserbasyon bago ito muling pakawalan sa karagatan.#