Ulat ni Villamor Visaya Jr.
Nasa 80 na mga stranded sa Batanes na mga turista at law enforcers ngayong Hulyo 28 ay sinundo at inilipad patungong Maynila ng isang C-130 plane matapos silang maipit sa bayan ng Basco ng isang linggo dahil sa mga kanseladong flight sanhi ng nakaraang bagyong Crising, Emong at Habagat.
Nauna nang dumating ang eroplano ng Philippine Air Force at naglabas ng toneladang relief goods para sa mga biktima ng bagyo at Habagat.
Ang mga alagad ng batas mula sa kagawaran ng bumbero, pulisya, at mga boluntaryo ay kabilang sa mga frontliner na tumulong sa pagbubuhat ng mga mahahalagang pagkain, kagamitan, at mga pang-emerhensiyang bagay na inilaan para sa pamamahagi sa mga apektadong komunidad sa lalawigan, ayon jkay Bureau of Fire Protection-Batanes Fire Marshal Fire Supt. Franklin Tabingo.#