BENGUET-Loader, bumagsak sa 100-metro na bangin sa Barangay Kesbeng, La Trinidad, Benguet ng July 29.
Dahil dito, namatay ang driver-heavy equipment operator na si Redentor Roldan at ang kanyang helper na si Rex Galang na nadaganan sa lugar.
Dalawa naman ang dinala sa ospital para magamot.
Magsasagawa sana ng clearing operations sa mga pagguho ng lupa sa Barangay Bineng ang apat na mga kasapi ng Benguet Provincial Engineering Office at sakay ng loader nang magkaroon umano ng mechanical failure nang di kumapit ang preno sa paliko at pababang kalsada.
Tuluyan itong dumiretso sa bangin mula sa kalsada.
Agad na rumesponde ang mga kasapi ng La Trinidad Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, Benguet PDRRMO, at La Trinidad MDRRMO at nagtulungan na iahon ang payloader at ang mga nasawi at nasugatan na mga sakay.#