Ulat ng BH Team/VILL GIDEON VISAYA
Mga taga-Tuguegarao,nagpaligsahan sa pabilisan ng pagkain ng Pantil Batil Patong o Fotun na klasiko at may sili sa Pavvurulun Afi Festival kagabi,Agosto 8 ng 5:30 ng hapon hanggang gabi sa Bonifacio Street sa Centro ng Tuguegarao City
Kabilang sa mga pakulo na pinalakpakan ng mga libo-libong manonood ang Pancit Eating Contest – Regular Plating Category na kung saan ay nagwagi si Happy Romina na nakatanggap ng ₱5,000 premyo. Pumangalawa naman si John Cristian Fabroa na may ₱3,000 at pumangatlo si Domingo Gacias na may ₱2,000 premyo.
Samantala, sa Spicy Plating Category, panalo si Jay Ar Narag matapos kayanin ang anghang ng pitong siling labuyo sa isang platong pancit na inihanda sa nasabing kompetisyon. Tumanggap siya ng ₱5,000.
Sinundan siya ni Felix Pamittan na may ₱3,000 at Mark Anthony Pradhan na may ₱2,000.
Nakatanggap din sila ng mga sertipiko, double-burner na gas stove at gasa tank bilang karagdagang premyo.
Laking tuwa naman ni Mayor Maila Ting-Que na nagsabing maaaring ulitin at dagdagan ng iba pang pakulo sa susunod na taon dahil sa tagumpay ng pista sa pansit na bahagi ng festival.#