Photo courtesy of 17th Infantry Battalion

Ulat ng Balitang Hilaga Team

Natagpuan ng  mga sundalo at pulis ang iba’t ibang uri ng armas at subersibong dokumento sa sa Sitio Kalanitan, Barangay Masi, Rizal, Cagayan kamakalawa.

Kabilang sa mga nakumpiska ang isang MK2 fragmentation hand grenade, isang homemade shotgun, isang serviceable Caliber 38 revolver, pitong rifle grenades, 27 bala ng 5.56mm, isang COLT MK IV Caliber 45 pistol, isang PARA 1911 pistol, dalawang Caliber 45 magazines, at mga subersibong dokumento.

Pinangunahan ng Bravo Company ng 17th Infantry Battalion katuwang ang Intel Section ng 17 Infantry Battalion at ang hanay ng kapulisan sa Rizal at iba pang yunit.#