Ulat ng BH Team/Gideon Visaya
NUEVA VIZCAYA-Nasa P600K halaga ng marijuana at shabu, nasamsam ng mga kasapi ng PDEA at pulis mula sa tatlong mga tulak ng droga sa Nueva Vizcaya noong Sabado ng gabi sa Baliton street, Barangay Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga dinakip sa mga alias na Pil, 37-anyos at dalawang estudyante na sina Kenny, 22-anyos at Nard, 23-anyos.
Nasamsam sa kanila ang mga marijuana, shabu, cellphone, timbangan, motorsiklo at marked money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga akusado.#