Home News Mga tipak ng bato, bumara sa kalsada sa Kalinga

Mga tipak ng bato, bumara sa kalsada sa Kalinga

0
14
Courtesy of DPWH-Kalinga ED

Ulat ng BH Team/Gideon Visaya

LUBUAGAN, Kalinga-Mga tipak ng bato, bumagsak sa kalsada mula sa tuktok ng bundok kaya sarado muna sa motorista sa bahagi ng Lubuagan-Batong Buhay national road sa Sitio Colong, Lower Uma sa bayan na ito sa Kalinga noong Agosto 23.

Dahil dito, patuloy ang clearing operations sa lugar at inabisuhan ang mga motorista na huwag munang dumaan sa kalsada.

Wala namang alternatibong ruta sa lugar kaya pinaaantay ang mga motorista na malinisan ito ng heavy equipment ng pamahalaang nasyunal, partikular ang Department of Public Works and Highways.#