Courtesy of DENR Cagayan Valley

Ulat ng BH Team

Pinakawalan ang isang Philippine Serpent Eagle (𝑆𝑝𝑖𝑙𝑜𝑟𝑛𝑖𝑠 ℎ𝑜𝑙𝑜𝑠𝑝𝑖𝑙𝑢𝑠) kamakalawa sa kagubatan ng Nueva Vizcaya ng mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Dupax.

Ang ibon ay una nang naiturn-over ni Aouie Necosia, guro sa Dupax del Norte National High School, sa CENRO Dupax noong Agosto 26. Mahina, dehydrated at maraming kuto ang ibon nang masuri.

Dinala sa Provincial Veterinary Services Office (PVSO) sa Bayombong noong Agosto 28.

Wala naman bali ang ibon maliban sa mahina at maraming kuto.

Agad itong binigyan ng Vitamin B-Complex with liver extract para matulungan siya na makarekober sa sakit.

Nang lumakas, ibinalik ito sa CENRO Dupax at

pinakawalan kamakalawa.

Endemic ang estado ng mga Philippine Serpent Eagle sa bansa.#