Ulat ng BH Team/GIDEON VISAYA
Baculod bridge sa City of Ilagan sa Isabela, lubog na sa baha kaya wala nang makadaan na motorista ngayong September 17 ng hapon.
Naispatan din ng Balitang Hilaga ang dalawang babae at isang bata na hinahanap kung saan napadpad ang kanilang kamag-anak na mangingisda. Paniwala sila na lumikas lang ito sa pampang dahil sa pag-apaw ng Cagayan river.
Wala naman nang ulan ngayong oras maliban sa mga bahang tulay gaya ng Baculod at Cabiseria 8 sa Ilagan.#