Courtesy of BLGU Mabini, Santiago City/Brgy Capt. Gina Santos

Ulat ng BH Team

Inilikas simula kagabi hanggang madaling araw ang nasa 39 pamilya o 139 na katao sa Muslim Community ng Barangay Mabini sa Santiago City dahil sa muling pag-apaw ng tubig-baha sa mga kabahayan dahil sa bagyong Mirasol.

Dinala sa evacuation center ang mga pamilyang apektado ng pagbaha.

Ayon kay Mabini Barangay Capt. Gina Santos, agad naihanda ang mga tulugan at mga gamit pati na ang relief goods para sa mga apektadong pamilya.

Inaasahang babalik rin ang mga residente sa kani-kanilang mga lugar kapag humupa na ang baha.#