Ulat ng BH TEam
Traysikel, nahulog sa kanal sa gilid ng kalsada sa kasagsagan ng baha sa Provincial Road ng Barangay Sagana, Santiago City.
Sa ulat ng pulisya, mabuti na lamang at ligtas ang drayber at nakalangoy sa baha patungo sa ligtas na bahagi ng kalsada.
Ayon sa mga residente, mangiyak-ngiyak ang drayber dahil nahirapan daw makaalis sa nahulog na traysikel sa tubigan sa kanal.
Giit ng mga residente, aksiyunan na ang mga nakatiwangwang na mga box culverts at mga di matapos na mga konstruksyon sa mga kanal lalo pa at di nakikita ang mga ito akapag binaha ang naturang kalsada.#