Ulat ng BH Team/Gideon Visaya
TESDA Secretary, nalulungkot sa 2-porsiyento lamang ng badyet o P4-bilyon kumpara sa P793-bilyon ng DepEd sa buong bansa.
Sa kanyang pagbisita sa bagong mga pasilidad para sa national certificate training-accredited center ng Santo Tomas Technological International School sa Santo Tomas, Isabela ngayong araw (Sept.21), paniwala si Secretary Jose Francisco “Kiko” Benitez na mapupunan rin ang mga investments ng bansa para sa teknikal at bokasyonal hinggil sa care-giving, early child care and development, computer servicing, turismo, agri-business at iba pa.
Nakaangkla rin ang hakbang ng TESDA sa Philippine Qualifications Framework para pasok sa sistema ng edukasyon at pagsasanay sa bansa.
Hatid raw ang up-to-date na pagsasanay para matiyak na handa sa trabaho ang mga TESDA graduates sa mga in-demand na industriya sa bansa.#