Ulat ng BH Team
Natagpuan na ang anim sa labindalawang mangingisdang sakay ng fishing boat na ‘JOBHENZ’ mula sa San Vicente, Sta. Ana, Cagayan na tumaob dahil sa malalakas na alon dulot ng Super typhoon ‘Nando’ ngayong araw.
sa ulat ng Philippine Coast Guard District Northeastern Luzon, hinampas ng malalaking alon ang bangka dahilan upang ito ay lumubog.
Apat sa mga nakaligtas ay agad na dinala sa St. Anthony’s Hospital para sa gamutan at ang dalawa ay di na nadala sa ospital, habang patuloy namang isinasagawa ng Coast Guard Station- Sta. Ana ang search operations para sa iba pang nawawala na mga mangingisda. #