Photo:PDRRMO Batanes

Ulat ng BH Team

Nasira ang kalsada at bahagi ng seawall dahil sa bagyong Nando sa Itbud-Imnajbu national road sa Uyugan, Batanes.

Dahil dito, hindi na madaanan ngayon ang kahit anong uri ng sasakyan ang bahagi ng national road mula sa Barangay Itbud papunta sa Barangay Imnajbu sa bayan ng Uyugan dahil sa nasirang kalsada at seawall.

Dahil daw sa storm surge na nagdulot ng malalakas na hampas ng alon na dulot ng Supertyphoon Nando sa probinsya, bumagsak ang bahagi ng seawall at nagkasira-sira ng kalsada.

Patuloy pa rin ang assessment ng Department of Public Works and Highways sa halaga ng pinsala.#