Ulat ng BH Team
Malaking century-old acacia tree, bumagsak sa gitna ng kalsada sanhi ng pag-uulan na dulot ng Habagat at bagyo sa national road ng Barangay Lucog, Tabuk City.
Kaya naman agad na rumesponde ang mga kasapi ng Department of Public Works and Highways-Lower Kalinga District Engineering Office at tinulungan di sila ng mga pinuno at tanod ng Barangay Lucog at mga boluntaryong tumulong na mga residente sa lugar.
Sa ngayon, nadadaanan na ang kalsada ng mga motorista.#