Nananatili sa 135 ang aktibong kaso sa Baggao matapos makapagtala ng panibagong 8 kaso laban sa 7 na clinical recoveries, Oktubre 25.

Isa naman ang naitalang bagong nasawi kaugnay ng COVID-19 mula sa barangay ng Mabini dahilan para umakyat na sa 165 ang bilang ng mga namatay kaugnay ng sakit.

Ang mga bagong kaso ay mula sa:
1. Dalin – 1
2. Ibulo – 1
3. Mocag – 2
4. Remus – 1
5. San Francisco – 2
6. San Jose – 1

Ang mga gumaling naman ay mula sa:
1. Hacienda – 2
2. Remus – 3
3. Taguntungan – 2