Bahagyang tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Baggao matapos makapagtala ng karagdagang 14 na kaso at 6 naman na clinical recoveries kahapon, Oktubre 19.

Dalawa naman ang naitalang namatay kaugnay ng sakit mula sa barangay ng Temblique at Bitag Pequeno dahilan para umakyat na sa 160 ang kabuuang bilang ng mga namata.

Ang mga bagong kaso ay mula sa:

1. Alba – 1
2. C. Verzosa – 1
3. Hacienda – 1
4. Mocag – 6
5. San Jose – 2
6. Temblique – 2
7. Tungel – 1


Ang mga clinical recoveries naman ay mula sa mga sumusunod:

1. Awallan – 1
2. Bitag Grande – 2
3. C. Verzosa – 1
4. Poblacion – 1
5. Tallang – 1